Thursday, September 14, 2006

THE WEEK THAT WAS

I skipped work for one full week after I caught a viral infection that seems to be going around everywhere these days. But no worries, I am fit to work now and do my blog-ging. (wink wink)

So what glorious epiphanies did I have during the week that was?

** Masarap matulog hanggang tanghali kung bukas ang aircon (Yun nga lang, baka pag dating ng Meralco bill, magkasakit ako ulit)

** Those pirated DVDs of syndicated US tv shows actually have bearable viewing quality

** Nakakapagod magpanik-panaog sa hagdan para mag bathroom break. Dapat pala nagpabili na rin ako nung puting mala-kaserolang arinola sa Quiapo nung nagpabili ako ng sandamakmak na DVD.

** Ang atis ay may average na 30 seeds.

** Ang cute ni Zac Effron (High School Musical)

** Kung ilang years ago, fieldtrip destination ang noontime tv shows, ngayon tourist spot na rin ito. Nakita mo ba yung mga foreigners at balik bayans sa audience ng wowowee?

** May Gummi Bears cartoon na ulit sa Disney Channel!

** Hindi ako magsasawang pakinggan ang Kami nAPO muna at UltraelectricmagneticJam

** I can actually do that new Japanese t-shirt folding technique!

** Sa hindi ko malamang dahilan, umaga lang may taho at sa hapon lang may sorbetero at binatog.

** Si Super Inday may anak - si Super Inggo; Si Machete, nag evolve na at naka jeans na ngayon

** Kahit may sakit ka, hindi ka excused sa pagtuturo sa anak mo.

** Pag nag absent ka sa trabaho ng one week, pag balik mo meron ka ng 500+ emails na dapat basahin, sagutin o i-delete!

No comments: