Thursday, September 14, 2006

BELIEFS


Noong bata ako, eto ang mga paniwala ko...


1. Pag may birthday lang pwedeng mag spaghetti at ice cream


2. Pang mayaman lang ang Del Monte ketchup






3. May babagsak na butiki pag nagbukas ka ng payong sa loob ng bahay






4. Magkakapimples ka kung hindi mo inuubos ang kanin mo sa plato








5. Naglalakad ang mga rebulto ng santo pag gabi





6. Tutubuan ka ng puno ng mansanas sa tyan kapag linunok mo ang buto





7. Iinit ang tubig mong pampaligo kapag dinasalan mo ito



8. Titigil ang ulan kapag kumanta ka ng malakas na "rain, rain, go away"


9. Kukunin ka ng Bumbay kung hindi ka natulog sa tanghali



10. Mamatay ka kapag nilinis mo ang pusod mo

2 comments:

Anonymous said...

Hi Kaths,

wow na wow kami ni Henry dito sa blog mo. Nakakatuwa ung mga kuwento and anectodes mo. Sabi ko nga kay H talaga namang mahilig kang magsulat eh. Bakit di mo publish ung mga sinulat mong articles noong college ka.

KathieDee said...

hehe. check back every now and then for updates!