Thursday, September 14, 2006

10 REASONS NOT TO LEAVE YOUR JOB

SAMPUNG DAHILAN PARA IKAW AY MANATILI SA IYONG TRABAHO

Aminin mo na, kating kati na ang mga kamay mo na sumulat ng iyong huling “memorandum” para sa boss mo. Isang “memo” na hindi humihimay sa mga dahilan kung bakit hindi kayo naka “kota” ngayong buwan, kungdi isang liham na inaasahan mong magpapayanig sa mundong iiwanan mo… isang “resignation letter” na ilang buwan mo na ring pinagiisipan.

Pero bago ka umupo dyan at umpisahan ang iyong “obra”, pagisipan mo muna itong mga bagay na ito na ibabahagi ko sa iyo… sampung dahilan para ikaw ay manatili sa iyong trabaho

1. Libre ang kape sa opisina.

Bukod sa purified water ang gamit mo, may “kopimate” pa. At pag sinuswerte, minsan may rasyon pa ng “coffee beans” at nagagamit mo ang “coffee maker”. Meron ka ba nyan sa bahay?

2. Malamig ang aircon sa opisina.

Hindi ka pagpapawisan at manlalagkit. Samantalang sa bahay mo, lumang KDK electric fan lang ang gumagana, nabili mo pa sa 680 10 years ago (mabuti’t umiikot pa sya!).

3. Libre ang internet connection sa opisina.

Kahit magkanda dokleng dokleng ka na sa pagsu-surf, wala kang reklamo. Nakakapag chat ka pa at naka join ng kung ano anong online “looking for relationship” chatrooms.

4.Meron kang colored printer sa opisina.

Pwede kang mag download ng photos sa internet, lyrics ng kanta, personalized cards tapos isang click mo lang, presto! may print out ka na!Aba, magkano rin magpa print dun sa internet café sa kanto di ba?

5. Syempre, kung may printer, meron ka ring scanner.

Pwedeng pwede mong dalhin yung mga pictures mo nung nag outing kayo ng barkada mo last weekend at i-scan mo. Tapos dahil libre naman ang internet connection, mabilis mong mai-po-post sa friendster,snapfish,yahoo, at msn.

6. Wag mo ring kalilimutan ang photocopying services (xerox) na na-e-enjoy mo.

Ilang beses ka na ba nagpa xerox ng mga test reviewers ng anak mo? O kaya yung mga flyers nung herbal medicine na iniaalok mo sa mga kaopisina mo? Libre na ang papel, hindi ka pa maiinip maghintay dahil i-de-deliver sa iyo ng inyong office secretary ang mga pinakopya mo.

7. May ready market ka para sa mga avon, triumph at sara lee na binebenta mo.

Walang kahirap hirap para sa iyo, lalagyan mo lang ng isang pirasong yellow pad yung harap ng brochure (yellow pad na kinuha mo rin sa office supplies nyo) at ipapaikot sa mga kaopisina mo. Pag balik sa iyo, may mga nakalistang orders na.

8. Meron kang ready reference sa mga pagkakataong hindi mo napanood ang paborito mong soap opera sa gabi dahil nag “malling” ka.

Isang tanong mo lang sa kaopisina mo, parang napanood mo na rin yung episode na na-miss mo.

9. May mga nagbibigay sa iyo ng sari saring pagkain at regalo.

Mga ”padulas” na binibigay ng mga suppliers nyo para bumili kayo sa kanila. May mga pagkakataon pa na ikaw mismo ang nagsasabi kung ano ang gusto mong matanggap. O di ba, para kang may wish list na tinutupad ng mga suppliers!

10. Bayad ang oras mo para gawin ang lahat ng mga iyan!

Kaya kung ako sa iyo, matinding pagmumuni-muni muna ang gagawin ko bago ko isulat ang mga katagang tatapos sa maliligayang araw ko.

Ngunit kung gusto mong isipin na ikaw yung tipo ng tao na may malalim na pangangailangan na mapatunayan ang galing at talento, baka nga panahon na para iuwi mo na ang mga picture frames na nasa ibabaw ng lamesa mo at humanap ka na ng makabuluhang propesyon.

O ano pang hinihintay mo? I-close mo na itong message na ito, mag log off ka na at umpisahan mo na ang "obra maestra" mo.

GOODLUCK!

No comments: