Pangarap ko maging manunulat.
Siguro dahil hindi naman ako magaling sa science (kaya hindi ako pwedeng doktor) at lalong wala akong itinatagong talino pag dating sa math (maraming makapagpapatunay nyan!).
Hindi rin naman ako mabulaklak magsalita at lalo namang wala akong talento sa pagkanta.
Meron akong dalawang kaliwang paa kaya hindi naman ako nagilusyong maging propesyonal na dancer (kahit nga pang japayuki di ako papasa!).
Wala rin akong hilig magluto (kumain,pwede pa!), hindi ako marunong maglaba o magplantsa, kung kaya kahit kasambahay hindi ko kakayanin.
Pero hindi naman ako nangulelat nung nagsabog ng biyaya ang MayKapal.
May mga munting talento rin naman ako na talaga namang kinamamanghaan ng asawa ko.
Mabilis akong makatulog.. hindi ko na kinakailangan magbilang ng tupa.
Mabilis din akong maligo.. ika nga ng anak ko, "wow! para kang instant noodles mommy, tapos ka kaagad!".
Di rin ako mabilis mataranta..in short, delayed reaction ako.
Pero sa lahat ng biyayang nasalo ko mula sa langit, ang pagsusulat ang pinaka malaking regalong napunta sa akin.
Tignan mo, wala namang kwenta itong sinulat ko, pero heto ka, natapos mo.
No comments:
Post a Comment