alam nyo naman, nagco commute lang ako to and from work.
kanina pauwi, eh di nakasakay ako sa jeep. tanghaling tapat, pero malakas ang ulan. yung driver ng jeep, some kind of a genius, hindi nya binaba yung trapal ng bintana. kaya ayun, nabasa yung mga upuan. eh di kami namang mga pasahero, halos malaglag na ang pwet namin sa pagurong para lang di kami mabasa. ok pa ako. di pa ako bothered. ulan lang naman e.
pag dating sa tulay sa may bandang pasig, may sumakay na mama. nakatabi ko. humangin. syet! amoy lasing!
so kinabahan na ang beauty ko. pero tahimik naman yung mama, pero napansin ko, parang di ata sya nagbabayad. aba! at concerned pa ako para dun sa driver ha! tapos yung mama, ubo ng ubo. natakot ako. syet ulit!
baka mamaya biglang sumuka itong gagong to. kadiri ha! tapos yung babae sa tapat ko text ng text. tinitignan nung mama yung cellphone nung babae. sabi ko sa sarili ko, naku, baka agawin! o di ba, concerned pa rin ako sa ibang tao.
so ayun, all the while, ang dami kong inaabangan - kung magbabayad yung mama, kung susuka ba sya o kung hahablutin nya yung cellphone nung babae.
sa ka engot engotan ng pinaka engot... hindi ko namalayan ang putragis na gagong hinayupak na panget na hayop, ini-islash pala yung bag ko!!
nalaman ko na lang nung pag dating sa Edsa Crossing, sa tapat ng Shangrila, nagbabaan yung mga tao at lumipat ako dun sa kabilang side na upuan. all the while, lumipat lang ako dahil nga basa yung kalahating part ng upuan dun sa side ko.aba, putres, nakita ko na lang gulagulanit at warak warak yung harap ng bag ko! napa "syet" nga ako.
napatingin ako dun sa mama. tumingin sya tapos bumababa. yung mga tao sa jeep, wala, deadma.
yung bag ko, may malaki at mahabang punit sa harap. yung punit na alam mo matalim yung ginamit nya na blade. tapos yung gilid naman, ganun din, parang papel na hiniwa hiwa. susme!!
pero wala syang nakuha. buti nga sa kanya. may inner lining kse yung bag ko kaya wala syang napala.
ang pinaka badtrip sa lahat ng badtrip, yung bag ko, yung isa sa mga bagong styles na nilabas ng lacoste. as in, ang tagal kong pinagmuni munihan kung bibilhin ko kse naman ang mahal ata ng lacoste ano! tapos ayun, nabili ko nga, na slash naman!!
nakakainis talaga pero in fairness, mga prends, galeng nung bag. dapat i market nila yun as "proven effective deterrent to slashers" hahaha. ayan nagawa ko pang magjoke! aba sa mahal nung bag, at least kahit papano may silbi sya.
otherwise, baka wala na akong cellphone at naglakad pa ako pauwi dahil wala na akong wallet.
pag baba ko ng jeep, yakap yakap ko yung bag ko. hindi dahil sa mahal na mahal ko yung bag ko no.. kung di dahil nahihiya ako na makita ng mga tao na naslash yung bag ko!! parang ang tanga tanga ko. grabe!
anyways, thankful pa rin naman ako at yun lang ang nangyari. it could have been worse. pwede hinoldap nya ako, tinutukan ng kutsilyo or kung anuman. kaya pasalamat pa rin kay Lord di ba?
1 comment:
Oh my, siomai! YOU'RE SO FUNNY!
-Len, corinaness@yahoo.com
Post a Comment