Ano nga ba ibig sabihin nitong katagang ito? Nitong mga nakaraang araw at sa mga susunod na marami pang araw, ito ang pinaka importanteng salita sa bokabularyo ko. Kaya mabuti siguro na maintindihan ko ang lalim at implikasyon nito sa buhay ko.
Sabi ni Merriam-Webster ang turnover daw ay:
1. " the movement of people into, through and out of place".
Oo nga naman, tunay nga naman na na-"move" ako "out of place". Malapit na akong umalis dito sa aking place... kung may papalit sa akin, wish ko na lang sya ng isang matinding goodluck at pagdarasal ko na sana nung nagsabog ang MayKapal ng biyaya eh nakasalo sya ng "autism". (email mo ko kung gusto mong malaman kung bakit importante ito.hehe)
2. "the number of persons hired within a period to replace those leaving or dropped from a workforce"
Nagiisa lang naman akong "leaving the workforce"... pero ang sabi sa akin kailangan ng tatlo "to replace" me... hindi ako magaling sa math, pero naiintindihan ko may mali sa equation na ito.. paanong nangyari na "one minus one equals three"?? hmmmm...
3. "the continuous process of loss and replacement of a constituent of a living system"
continuous talaga ang loss ko pero mare-replace ko ba ang nawala ko? at saka "living system" nga ba itong matatawag? hmmmm... at isa pang hmmmm....
4. "to search by lifting or moving one by one"
ahhh...ito ang mahirap. ako ba ang dapat mag "lift or move one by one"? hindi siguro. paalis na ako, kaya siguro hindi na rin dapat ako ang mag "search"
5. "to deliver, surrender"
ay, ito korek! talagang "surrender" na ako...kaya nga nagresign eh (wink wink)
6. "to heave with nausea (as in turnover of one's stomach)"
may mga pagkakataong ganito ang pakiramdam ko.. sukang suka na ako!!!
7. to make a change for the better (as in turn over a new leaf)
ito ang pinaka paborito kong definition - talagang CHANGE FOR THE BETTER ang mangyayari... and i absolutely can't wait!
No comments:
Post a Comment