Thursday, September 14, 2006

A Guide to Riding an FX

Para sa mga hindi nakakaalam, ang FX ay Public Utility Vehicle... ibig sabihin, hindi ka nag-iisang sumasakay dito. Marami kayo kaya sana naman, pag nasa FX ka...

1. Ipatong mo ang bag mo sa malalaking hita mo. Wag mong bigyan ng tribute ang bag mo at ipwesto sa tabi mo.

2. Wag ka naman magpabango. Ayaw namin maging ka-amoy mo.

3. Umupo ka ng maayos. Hindi excuse ang malalaking hita para i-occupy mo ang dalawang (o tatlong) space.

4. Lakasan mo naman ang boses mo pag nag abot ka ng bayad. Hindi kami ang voice over mo.

5. Hinaan mo ang boses mo pag nakikipag usap ka sa cellphone. Ayaw namin marinig ang latest chismis sa ka-officemate na pinapantasya mo.

6. Wag kang magpakitang gilas at mag-e-english sa kausap mo sa cellphone...lalo na kung mas kamukha mo si Wilma Doesnt kesa kay Nancy Castiliogne. Magpakatotoo ka,sister!

7. Umurong ka naman kung may sasakay na iba. Bakit may velcro pa ang pwet mo at dumikit na sa gomuzang seatcover?

8. Maganda siguro kung bababa ka muna para makababa ng maayos yung katabi mo na nasa loob.

9. I-share mo naman ang aircon. Lahat naman tayo nagbayad ng tama.

10. Alalahanin mo na hindi kami ang bestfriend mo. Wag kang humilig sa balikat namin kung matutulog ka.

No comments: