




Now you know why I enjoy staying home... ang daming toys ni anak!! Sarap mag feeling bata! =)
7. One of my favorites. (In a high pitched, sinakal na manok voice) "Anong petsa na ngayon?!" (dramatic pause here please). "Alas-dyes na!!!" .. Wala akong maisip na comeback dito. Nalaos ang talent ko.
8. One of my favorite so-konyo expression: "You gets? You gets?" In Tagalog, "Nakuha mo ba?" wa ha ha
9. Another so-konyo-tic expression: "Ah, gawwdd! That's so pang-ngeeet!!" Grabe, yakk, talagang it's so sows-yal!
10. Something I try to live by: "Be more or less specific" Can anything get more or less specific than this?
1. Si Jessica Zafra. Hanep sa talento sa pagsulat. Kakaiba. Nakakaaliw. Sana ganito ako kagaling sumulat.
2. Si Jerome Gomez. Magaling din sya sumulat. Pramis. Di nga kinaya ang galing nya nung school namin, kaya pinalipat na lang sya. Kung hindi dahil sa interes nyang basahin ang unang attempt ko with Filipino literature noon, baka hindi ako nagblo-blog ngayon.
3. Si Mrs. Judith Obusan. English teacher ko nung High School. Sya ang nag inspire sa akin na magsulat. Yung english formal composition ko noon para sa class nya, pina-publish nya school paper. Doon ko na realize na pwede pala akong sumulat.
4. Si Winston Wee. "Dating former ex" boss and friend. Sya ang nagmulat sa akin sa maraming katotohanan ng buhay buhay. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Daming kong natutunan. Swear!
5. Si Leila Pecate. Former colleague. Sa kanya ko nakita ang tunay at buong lakas ng loob. Palaban kahit walang laban. LOL
6. Si Yoyah Quizan. Kaklase nung college. Ang personification ng ma-showbiz na buhay para sa akin.
7. Ang buong GGLEAK. Mga tunay na kaibigan. Kasabay natutong mag jackstone. Kasabay pumila sa linya nung cute na crew ng McDonalds. Kasamang nagcut class para makapanood ng Lunch Date at mga pelikula ni Raymart Santiago (Wooly Booly atbp.)
8.Si George. Soulmate. Best friend. Kakulitan. Kakwentuhan. Shock and pain absorber. Ang taong nagpapaalala sa akin na hindi ako perpekto at hindi lahat ng naiisip, nararamdaman at nais kong gawin ay tama. Ang tanging tao na nakakaintindi sa akin sa lahat ng oras, ano mang oras (uy, gandang slogan ah!)
9. Si Gail. Ang aking baby bestfriend. Kakilitian. Kalambingan. Kabuuan ng aking pagkatao.
10. Ah ito, wala blanko pa ito. Naghihintay pa ako kung meron pang tao na magbibigay inspirayon sa akin upang maging mas mabuting tao.
And this is where I intend to be two weeks from now...communing with nature, enjoying the salty breeze, creating footprints in the sands and just letting life pass by.
Mukha kaming magkapatid di ba? Tawag ko sa kanya ate kaya feeling naman talaga nya kapatid nya ako (ha ha ha).
Noong bata ako, malaking palaisipan sa akin kung bakit weird yung mga classmates ko. Bakit tawag nila sa mga nanay nila "mama"? Seryoso, feeling ko noon, sila pa ang kakaiba at ako ang normal.
Pero habang namumulat ako sa kamunduhan.. este, katotohanan, naintindihan ko na kung bakit ganun ang tawagan namin. "Ate" ko sya kse mas mukha kaming magkapatid kesa mag nanay...at "Ganda" tawag nya sa akin kse mas maganda ako sa kanya!
Dapat kahit alam mo na tama ka (o feeling mo lang tama ka), refrain from rubbing it in.
Mahirap maging humble - lalo na sa panahon ngayon na freedom of speech is highly encouraged.
Mahirap maging humble - lalo na pag ang kausap mo deserves to be "put in his right place"
Pero minsan, ito ang pinaka mabigat na panlaban sa mga taong nakakairita, nakakainis at talaga namang gusto mong sabunutan, kaliskisan at palu-paluin ng makapal na libro sa ulo (yung hardbound ha!).
Sabi nga, "A fight involves another person". Hindi ka pwedeng makipag away sa sarili mo... unless na lang split personality ka.
SAMPUNG DAHILAN PARA IKAW AY MANATILI SA IYONG TRABAHO
Aminin mo na, kating kati na ang mga kamay mo na sumulat ng iyong huling “memorandum” para sa boss mo. Isang “memo” na hindi humihimay sa mga dahilan kung bakit hindi kayo naka “kota” ngayong buwan, kungdi isang liham na inaasahan mong magpapayanig sa mundong iiwanan mo… isang “resignation letter” na ilang buwan mo na ring pinagiisipan.
Pero bago ka umupo dyan at umpisahan ang iyong “obra”, pagisipan mo muna itong mga bagay na ito na ibabahagi ko sa iyo… sampung dahilan para ikaw ay manatili sa iyong trabaho
1. Libre ang kape sa opisina.
Bukod sa purified water ang gamit mo, may “kopimate” pa. At pag sinuswerte, minsan may rasyon pa ng “coffee beans” at nagagamit mo ang “coffee maker”. Meron ka ba nyan sa bahay?
2. Malamig ang aircon sa opisina.
Hindi ka pagpapawisan at manlalagkit. Samantalang sa bahay mo, lumang KDK electric fan lang ang gumagana, nabili mo pa sa 680 10 years ago (mabuti’t umiikot pa sya!).
3. Libre ang internet connection sa opisina.
Kahit magkanda dokleng dokleng ka na sa pagsu-surf, wala kang reklamo. Nakakapag chat ka pa at naka join ng kung ano anong online “looking for relationship” chatrooms.
4.Meron kang colored printer sa opisina.
Pwede kang mag download ng photos sa internet, lyrics ng kanta, personalized cards tapos isang click mo lang, presto! may print out ka na!Aba, magkano rin magpa print dun sa internet café sa kanto di ba?
5. Syempre, kung may printer, meron ka ring scanner.
Pwedeng pwede mong dalhin yung mga pictures mo nung nag outing kayo ng barkada mo last weekend at i-scan mo. Tapos dahil libre naman ang internet connection, mabilis mong mai-po-post sa friendster,snapfish,yahoo, at msn.
6. Wag mo ring kalilimutan ang photocopying services (xerox) na na-e-enjoy mo.
Ilang beses ka na ba nagpa xerox ng mga test reviewers ng anak mo? O kaya yung mga flyers nung herbal medicine na iniaalok mo sa mga kaopisina mo? Libre na ang papel, hindi ka pa maiinip maghintay dahil i-de-deliver sa iyo ng inyong office secretary ang mga pinakopya mo.
7. May ready market ka para sa mga avon, triumph at sara lee na binebenta mo.
Walang kahirap hirap para sa iyo, lalagyan mo lang ng isang pirasong yellow pad yung harap ng brochure (yellow pad na kinuha mo rin sa office supplies nyo) at ipapaikot sa mga kaopisina mo. Pag balik sa iyo, may mga nakalistang orders na.
8. Meron kang ready reference sa mga pagkakataong hindi mo napanood ang paborito mong soap opera sa gabi dahil nag “malling” ka.
Isang tanong mo lang sa kaopisina mo, parang napanood mo na rin yung episode na na-miss mo.
9. May mga nagbibigay sa iyo ng sari saring pagkain at regalo.
Mga ”padulas” na binibigay ng mga suppliers nyo para bumili kayo sa kanila. May mga pagkakataon pa na ikaw mismo ang nagsasabi kung ano ang gusto mong matanggap. O di ba, para kang may wish list na tinutupad ng mga suppliers!
10. Bayad ang oras mo para gawin ang lahat ng mga iyan!
Kaya kung ako sa iyo, matinding pagmumuni-muni muna ang gagawin ko bago ko isulat ang mga katagang tatapos sa maliligayang araw ko.
Ngunit kung gusto mong isipin na ikaw yung tipo ng tao na may malalim na pangangailangan na mapatunayan ang galing at talento, baka nga panahon na para iuwi mo na ang mga picture frames na nasa ibabaw ng lamesa mo at humanap ka na ng makabuluhang propesyon.
O ano pang hinihintay mo? I-close mo na itong message na ito, mag log off ka na at umpisahan mo na ang "obra maestra" mo.
GOODLUCK!
There was no online YB then yet. There was no e-mailing your stuff. I recall I typed mine using our Brothers manual typewriter, where you had to wait for the "ting!" and then you push back that long rolling pin-like thing where the paper is inserted so you can get to the next line. I typed it neatly - double spaced, one inch left and right margins and to stress words, I had to type over the letters thrice (this is equivalent to hitting 'Ctrl+B' now).
Then I carefully business-folded my paper (you know, the kind of fold where you leave a "tongue" at the top so the recipient can hold onto it and then flip the letter open?), stuck it inside a long white envelope, wrote down Inquirer's address, wrote my return address on the upper left, licked a stamp and stuck it on the upper right side.
The only thing I probably missed doing was taking the trip to the post office to drop off my letter. Instead, I slipped my stamped envelope between all the other business letters that our office was mailing out.
My piece was published about three months after (talk about slow mail!) and I would have missed it, if not for one colleague who asked me if I was the Kathie featured on the YB column two days ago. I had to beg a friend to find the paper from their school's library and make me a copy. I then went all out and (slow) mailed copies to every relative and friend listed on my little address book. My tongue was all sore from all that stamp-licking!
And in keeping up with tradition, I almost totally missed it when the same piece was reproduced and included in YB's book compilation! Another colleague texted me to ask if I was the Kathie included in the book. (Yes, I learned about it during the time when text messaging was getting big.)
So I rushed to the bookstore and bought copies.
I am planning to give out a copy (autographed by me har har) to my high school english teacher as she really is the one who first believed that I actually could write an interesting read.
And I will get that chance two weeks from now - 16 years after I graduated - when I go back to my high school for our grand reunion.