Saturday, December 16, 2006
Blue Line
Isang araw, kwento si anak about her classmate na enligh speaking - si Yso.
Yso daw only wants to sit next to her bestfriend Pia. Pia in turn, wants their other friend Marinelle, to sit sa kabilang side nya. Eh may umupong ibang classmate sa tabi ni Yso.
So Yso shouts, "Hey! That's Pia's place!" Si anak, she was mimicking Yso's high pitched voice and was distorting her face. Yung parang nangaasar.
Tapos nung may umupo naman daw iba sa tabi ni Pia, sumigaw din si Pia - "Hey! That's Marinelle's place!" Kulubot pa rin mukha ni anak habang ginagaya nya yung sigaw ni Pia.
So naturally, being the ever inquisitive mommy, tinanong ko si anak - "eh ikaw, pag may umupong iba sa tabi mo na hindi mo friend, anong sinasabi mo?"
Walang kabuckle - buckle sabi nya - "HOY! UMALIS KA DYAN!"
Sunday, October 29, 2006
Wishlist
At 6 years old, my daughter believes that anything she asks for, she will get. Talagang dinibdib nya ang sabi ni Lord... "ask and you shall receive". (joke lang po, Lord!)
So, one damp day many days ago, dahil hindi kami makalabas para mag palamig sa mall, she was struck by absolute inspiration and made her colorful wish list.
In fairness, kahit buo ang paniniwala nya na she will get what she wants, considerate naman itong anak ko... tignan nyo yung number 4 nya - "kahit ano kaya nyo bilhin toy"... kaiyak di ba?
I just can't imagine anong magiging reaction nya pag number 4 ang sineryoso ko at binigyan ko sya ng lumang lata ng Carnation evap at isang piraso ng pudpod na tsinelas at sabihin ko "tumbang preso tayo!"
Mongkok
Well.. I just returned from a 3 day business trip to Hong Kong (gawd, i like the sound of that .. "business trip".. para bang isa akong high profile corporate bigwig..when in reality, aliping saguiguilid lang ako). And syempre, when in Hong Kong.. do what the Pinoys do.. shop shop shop. May pera o wala, papalagpasin ko ba naman ang night markets and outlet stores? Syempre, hinde!!!
So, off to Mongkok ang drama ko. Ang dami daming paninda sa Mongkok- parang mangkok na punong puno, naguumapaw sa sopas (ayan, nakonek ko din kahit na pilit na pilit)
It was sooo much fun. I was walking the streets alone. Well, hindi naman alone as in alone talaga. Kay ramiraming intsik, puti, pinay na nagkalat sa daan. Pero alone, as in wala akong shopping buddy. May kasama naman ako sa trip, pero di kinaya ng powers nya na sabayan ang pagiging lakwatsera ko. Kaya may kasama o wala, hala, sugod mga kapatid!!
Hindi na ako nagbother makipagtawaran sa mga tiangge sa night market. Kse tingin ko parang mga paninda sa divisoria (yes, namimili ako sa 168, DV Mall at Meisic he he). Hindi naman ako nagpapalit ng dollar para lang bumili ng paninda na meron din sa DV. Sayang ang miles!
Ang daming bossini shops, giordano, G200...nakita ko pa ang esprit outlet shop. Talagang serrendipituous trip for me. Nakabili ako ng shirts na wala pang P300! Samantalang dito, medyas lang mabibili mo sa ganong halaga.
Naglakad lang ako from hotel to the night market. Yakap yakap ko yung bag ko. Kse sabi nila sa akin, hindi na daw safe ang streets ng night market. Siguro nagmigrate na rin doon ang mga hinayupak na mga slashers at pickpockets dito sa Maynila kse naubusan na sila ng mabibiktima dito.
Masarap maglakad doon. Hindi ka pagpapawisan. Hindi naman malamig pero hindi rin humid. Kaya pwedeng pwedeng mag stroll. Medyo maingay nga lang kse pagnausap ang mga intsik, parang mga naka megaphone. Abot hanggang bundok ng tralala.
Nakakalungkot lang, kse wala akong pictures. Dahil parang travelling alone, hindi ko na nagawang huminto at magkodak kodak sa daan.
Kaya heto, kinodakan ko na lang sarili ko sa hotel room ko. For posterity's sake.. kahit hindi ko kilala si posterity.
Monday, September 25, 2006
HANG-SWEET
I cannot remember a time when my daughter did not have some artwork or letter for me and hubby when we arrive home from work. She loves to draw, doodle, write, do crafts (in the process making a huge mess!).
She spelled out the words all by herself. I asked her why daddy's "hansam" and mommy's "nays" lang. Sabi nya, "kse i cannot spell pretty eh".. aww shucks!
Wednesday, September 20, 2006
NAAMOY KITA
1. Pag ang vocabulary nya includes words like "bongga", "charing", "chuva" at "tsenes"
2. Kung nakikipag-appear sya.
3. Kung ang pakikipag appear nya ay "bukas palad". Yung palad to palad ang appear. Sa aming limited knowledge, guys make closed fists versions of the girly "appear".
4. Kung alam nya ang kulay "CAMEL"
5. Kung kaya nyang makipag marathon discussion kung sino talaga ang mas gwapo - si Sam Milby, Si John Lloyd or si Piolo.6. Pag ang tawag nya kay Piolo eh "Papa Piolo".
7. Pag mas type nyang pagusapan at himay himayin ang sexlife ng mga guy colleagues kesa sa mga hot babes sa office.
8. Pag sinabi nyang hindi bagay sa iyo ang suot mong mini skirt dahil "the color does not compliment your skin tone."
9. Pag napansin nya na pag nagtype ka sa keyboard eh nakapilantik ang mga daliri mo dahil sa mahaba mong kuko.
10. Pag bothered sya sa pagtype mo kse baka mag chip off ang nail polish mo.
11. Pag may sarili syang kikay kit na may lamang baby powder, vaseline petroleum jelly (for that magalis na elbow) at lip balm in cherry flavor.
Tuesday, September 19, 2006
RANDOM THOUGHTS
1. Nag interview ako ng applicant. Tanong ko: "How much do you want this job?". Sagot sa akin: "Ummm..not as much as my previous job po ma'm". Wow, nakakainspire i-hire. Tanggap ka na sis-tuh!
2. Isa pang applicant. Tanong ko: "After a year of not working, why do you want to work now?" Sagot nya: "I don't wanna stay home, cause, you know, ahh... I only get stuck knowledge.". Again..again..again
3. Hate na hate ko yung "supposeBly".. hellow!! kung hindi mo masabi ang supposeDly, please wag mo ng gamitin yung word.
4. Sabi ni boss - "Can I see you?" Tempting sagutin ng "Oh no! Did i just turn invisible?!"
5. Sa isang diskusyon kung bakit mas attractive yung isang guy over the other guy. "Eh kse one-sighted kayo. Di nyo tinitignan yung kabuuan." Hey-shus-me!
6. Sa brainstorming tungkol sa bagong booth design. "Kse kung yung wall paper ididikit natin sa wall".. Hmm.. i've always thought wall papers go ON walls..pwede pa pala sa ibang surface?
7. One of my favorites. (In a high pitched, sinakal na manok voice) "Anong petsa na ngayon?!" (dramatic pause here please). "Alas-dyes na!!!" .. Wala akong maisip na comeback dito. Nalaos ang talent ko.
8. One of my favorite so-konyo expression: "You gets? You gets?" In Tagalog, "Nakuha mo ba?" wa ha ha
9. Another so-konyo-tic expression: "Ah, gawwdd! That's so pang-ngeeet!!" Grabe, yakk, talagang it's so sows-yal!
10. Something I try to live by: "Be more or less specific" Can anything get more or less specific than this?
Monday, September 18, 2006
INSPIRASYON
1. Si Jessica Zafra. Hanep sa talento sa pagsulat. Kakaiba. Nakakaaliw. Sana ganito ako kagaling sumulat.
2. Si Jerome Gomez. Magaling din sya sumulat. Pramis. Di nga kinaya ang galing nya nung school namin, kaya pinalipat na lang sya. Kung hindi dahil sa interes nyang basahin ang unang attempt ko with Filipino literature noon, baka hindi ako nagblo-blog ngayon.
3. Si Mrs. Judith Obusan. English teacher ko nung High School. Sya ang nag inspire sa akin na magsulat. Yung english formal composition ko noon para sa class nya, pina-publish nya school paper. Doon ko na realize na pwede pala akong sumulat.
4. Si Winston Wee. "Dating former ex" boss and friend. Sya ang nagmulat sa akin sa maraming katotohanan ng buhay buhay. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Daming kong natutunan. Swear!
5. Si Leila Pecate. Former colleague. Sa kanya ko nakita ang tunay at buong lakas ng loob. Palaban kahit walang laban. LOL
6. Si Yoyah Quizan. Kaklase nung college. Ang personification ng ma-showbiz na buhay para sa akin.
7. Ang buong GGLEAK. Mga tunay na kaibigan. Kasabay natutong mag jackstone. Kasabay pumila sa linya nung cute na crew ng McDonalds. Kasamang nagcut class para makapanood ng Lunch Date at mga pelikula ni Raymart Santiago (Wooly Booly atbp.)
8.Si George. Soulmate. Best friend. Kakulitan. Kakwentuhan. Shock and pain absorber. Ang taong nagpapaalala sa akin na hindi ako perpekto at hindi lahat ng naiisip, nararamdaman at nais kong gawin ay tama. Ang tanging tao na nakakaintindi sa akin sa lahat ng oras, ano mang oras (uy, gandang slogan ah!)
9. Si Gail. Ang aking baby bestfriend. Kakilitian. Kalambingan. Kabuuan ng aking pagkatao.
10. Ah ito, wala blanko pa ito. Naghihintay pa ako kung meron pang tao na magbibigay inspirayon sa akin upang maging mas mabuting tao.
CLOSURE
This photo reminds me so much of decisions that I could have made better had I not been driven by my false belief that loyalty is enough to make the "world" (as i knew it) a better place.
What I did learn though is that loyalty works only if it is mutually shared and respected. When the recipient of your loyalty understands what you are offering and respects you for it. Sometimes, as in this case, loyalty did not do shit. Ironically, I believe it was perceived as a burden by the gaddang people I was loyal to (and now the angst begins).
I cannot fathom what the could-have-beens had I not been so trusting so I really do not regret about the what-ifs. My regret is concentrated only with that one misguided choice. Yes, it was a choice - my choice - and it wasn't a choice that brought the happiest times of my life.
On the other hand, I am motivated by the belief that the Lord moves in mysterious ways (or is it love moves in mysterious ways? hmmm...). That decisions - no matter how right or wrong we believe them to be - are meant to bring us something better.
Which brings me now to where I currently am. This photo brings back fond memories of really moving life experiences. This is where I was introduced to a plethora of human behavior. This is where I lost my infatuation with airtravel. This is where I realized that one-day-island-hopping is not my thing. This is where I understood that mirrors really do not lie (har har). This is also where I matured a lot, learned to dismiss sensitivity, accepted that differences can subtly merge together and create its own distinct culture.
And this is where I intend to be two weeks from now...communing with nature, enjoying the salty breeze, creating footprints in the sands and just letting life pass by.
SISTERS
Mukha kaming magkapatid di ba? Tawag ko sa kanya ate kaya feeling naman talaga nya kapatid nya ako (ha ha ha).
Noong bata ako, malaking palaisipan sa akin kung bakit weird yung mga classmates ko. Bakit tawag nila sa mga nanay nila "mama"? Seryoso, feeling ko noon, sila pa ang kakaiba at ako ang normal.
Pero habang namumulat ako sa kamunduhan.. este, katotohanan, naintindihan ko na kung bakit ganun ang tawagan namin. "Ate" ko sya kse mas mukha kaming magkapatid kesa mag nanay...at "Ganda" tawag nya sa akin kse mas maganda ako sa kanya!
KUNG SYA AY AKO AT HINDI AKO AKO
Had I been charming, sweet and born with a sunny disposition -I would have been my own daughter... got lost in the ellipses??
My daughter is everything I am not. She's shy but friendly and packs endless happy, bubbly energy in her cute little frame.
Now I know what I would I have been like if I had been everything except for what I am now...and there we go again..you got lost in the ellipses!
PRECIOUS MOMENTS
Ito and dalawang taong naka ukit sa puso ko. Kinuhanan ito pagkatapos namin mag beach at nagpapalipas oras na lang kami sa kubo.
Actually, nagtutulog tulugan lang yang dalawang iyan. Pareho kaseng frustrated artista. ha ha ha
Pero kahit na emote lang yan, gustong gusto ko itong pit-tyur na ito - kse ang peaceful ng dating.
GROUNDED
Dapat kahit magaling ka (o kahit feeling mo lang magaling ka), humble ka pa rin.
Dapat kahit alam mo na tama ka (o feeling mo lang tama ka), refrain from rubbing it in.
Mahirap maging humble - lalo na sa panahon ngayon na freedom of speech is highly encouraged.
Mahirap maging humble - lalo na pag ang kausap mo deserves to be "put in his right place"
Pero minsan, ito ang pinaka mabigat na panlaban sa mga taong nakakairita, nakakainis at talaga namang gusto mong sabunutan, kaliskisan at palu-paluin ng makapal na libro sa ulo (yung hardbound ha!).
Sabi nga, "A fight involves another person". Hindi ka pwedeng makipag away sa sarili mo... unless na lang split personality ka.
Thursday, September 14, 2006
COMPLICATED
Note: I am not claiming this whole “complicated mature” thing all by myself. I happen to believe that you (oh yes, Y-O-U!) – since you can read this blog – has transcended that fine line separating childhood ignorance and adulthood maturity.
Just what brings about this sudden realization? Taste. Yes, taste, the reason why we have tongues (it not just for kissing, you know). Taste – sweet, sour, salty, bitter...
You never realize just how much complicated you have become until you start to ask yourself if coffee should be under the “bitter” or “sweet” category. Since I take my coffee with three heaps of sugar, I put coffee under “sweet”. My daughter would have none of it. It seems they teach kids at school that coffee is bitter. (Yeah, right … if you have them chew the coffee bean.)
Then there’s mango. “Is it sweet or sour?” So I think, “Are we talking about ripe mango or dried mango?” It was a battle of a-thousand-questions for me. Since the workbook had it under “sweet”, I assumed we were talking about ripe mango.
And it goes on to apple (“green or red?”), popcorn (“cheese or buttered?”) and so many other food items. I swear I had a terrible headache after.
So now, I share these inane musings with you. Just how much complicated have you gotten that things that used to be simple when we were kids are not so simple anymore?
LOST THOUGHTS
I did!
I did!!
I did!!!
But I was too dumb to not jot it down.
I keep racking my brain to get it back, but the moment is gone.
Tsk Tsk..
10 REASONS NOT TO LEAVE YOUR JOB
SAMPUNG DAHILAN PARA IKAW AY MANATILI SA IYONG TRABAHO
Aminin mo na, kating kati na ang mga kamay mo na sumulat ng iyong huling “memorandum” para sa boss mo. Isang “memo” na hindi humihimay sa mga dahilan kung bakit hindi kayo naka “kota” ngayong buwan, kungdi isang liham na inaasahan mong magpapayanig sa mundong iiwanan mo… isang “resignation letter” na ilang buwan mo na ring pinagiisipan.
Pero bago ka umupo dyan at umpisahan ang iyong “obra”, pagisipan mo muna itong mga bagay na ito na ibabahagi ko sa iyo… sampung dahilan para ikaw ay manatili sa iyong trabaho
1. Libre ang kape sa opisina.
Bukod sa purified water ang gamit mo, may “kopimate” pa. At pag sinuswerte, minsan may rasyon pa ng “coffee beans” at nagagamit mo ang “coffee maker”. Meron ka ba nyan sa bahay?
2. Malamig ang aircon sa opisina.
Hindi ka pagpapawisan at manlalagkit. Samantalang sa bahay mo, lumang KDK electric fan lang ang gumagana, nabili mo pa sa 680 10 years ago (mabuti’t umiikot pa sya!).
3. Libre ang internet connection sa opisina.
Kahit magkanda dokleng dokleng ka na sa pagsu-surf, wala kang reklamo. Nakakapag chat ka pa at naka join ng kung ano anong online “looking for relationship” chatrooms.
4.Meron kang colored printer sa opisina.
Pwede kang mag download ng photos sa internet, lyrics ng kanta, personalized cards tapos isang click mo lang, presto! may print out ka na!Aba, magkano rin magpa print dun sa internet café sa kanto di ba?
5. Syempre, kung may printer, meron ka ring scanner.
Pwedeng pwede mong dalhin yung mga pictures mo nung nag outing kayo ng barkada mo last weekend at i-scan mo. Tapos dahil libre naman ang internet connection, mabilis mong mai-po-post sa friendster,snapfish,yahoo, at msn.
6. Wag mo ring kalilimutan ang photocopying services (xerox) na na-e-enjoy mo.
Ilang beses ka na ba nagpa xerox ng mga test reviewers ng anak mo? O kaya yung mga flyers nung herbal medicine na iniaalok mo sa mga kaopisina mo? Libre na ang papel, hindi ka pa maiinip maghintay dahil i-de-deliver sa iyo ng inyong office secretary ang mga pinakopya mo.
7. May ready market ka para sa mga avon, triumph at sara lee na binebenta mo.
Walang kahirap hirap para sa iyo, lalagyan mo lang ng isang pirasong yellow pad yung harap ng brochure (yellow pad na kinuha mo rin sa office supplies nyo) at ipapaikot sa mga kaopisina mo. Pag balik sa iyo, may mga nakalistang orders na.
8. Meron kang ready reference sa mga pagkakataong hindi mo napanood ang paborito mong soap opera sa gabi dahil nag “malling” ka.
Isang tanong mo lang sa kaopisina mo, parang napanood mo na rin yung episode na na-miss mo.
9. May mga nagbibigay sa iyo ng sari saring pagkain at regalo.
Mga ”padulas” na binibigay ng mga suppliers nyo para bumili kayo sa kanila. May mga pagkakataon pa na ikaw mismo ang nagsasabi kung ano ang gusto mong matanggap. O di ba, para kang may wish list na tinutupad ng mga suppliers!
10. Bayad ang oras mo para gawin ang lahat ng mga iyan!
Kaya kung ako sa iyo, matinding pagmumuni-muni muna ang gagawin ko bago ko isulat ang mga katagang tatapos sa maliligayang araw ko.
Ngunit kung gusto mong isipin na ikaw yung tipo ng tao na may malalim na pangangailangan na mapatunayan ang galing at talento, baka nga panahon na para iuwi mo na ang mga picture frames na nasa ibabaw ng lamesa mo at humanap ka na ng makabuluhang propesyon.
O ano pang hinihintay mo? I-close mo na itong message na ito, mag log off ka na at umpisahan mo na ang "obra maestra" mo.
GOODLUCK!
A FEEBLE ATTEMPT AT POETRY
and you come in late
your lost time
I refuse to compensate!
(in short, kung late ka, MAGDUSA KA!!..bakit pati ako idadamay mo?)
THE WEEK THAT WAS
So what glorious epiphanies did I have during the week that was?
** Masarap matulog hanggang tanghali kung bukas ang aircon (Yun nga lang, baka pag dating ng Meralco bill, magkasakit ako ulit)
** Those pirated DVDs of syndicated US tv shows actually have bearable viewing quality
** Nakakapagod magpanik-panaog sa hagdan para mag bathroom break. Dapat pala nagpabili na rin ako nung puting mala-kaserolang arinola sa Quiapo nung nagpabili ako ng sandamakmak na DVD.
** Ang atis ay may average na 30 seeds.
** Ang cute ni Zac Effron (High School Musical)
** Kung ilang years ago, fieldtrip destination ang noontime tv shows, ngayon tourist spot na rin ito. Nakita mo ba yung mga foreigners at balik bayans sa audience ng wowowee?
** May Gummi Bears cartoon na ulit sa Disney Channel!
** Hindi ako magsasawang pakinggan ang Kami nAPO muna at UltraelectricmagneticJam
** I can actually do that new Japanese t-shirt folding technique!
** Sa hindi ko malamang dahilan, umaga lang may taho at sa hapon lang may sorbetero at binatog.
** Si Super Inday may anak - si Super Inggo; Si Machete, nag evolve na at naka jeans na ngayon
** Kahit may sakit ka, hindi ka excused sa pagtuturo sa anak mo.
** Pag nag absent ka sa trabaho ng one week, pag balik mo meron ka ng 500+ emails na dapat basahin, sagutin o i-delete!
OFFICE CONUNDRUMS
1. There is always a lot of work in the office ... but the person next to you is always not doing anything?
2. The person-not-doing-anything is always complaining that the pressure is getting to him?
3. The person-not-doing-anything-but complaining is getting paid MORE than you?
CROPPED
MAHIRAP SUMULAT
Siguro dahil hindi naman ako magaling sa science (kaya hindi ako pwedeng doktor) at lalong wala akong itinatagong talino pag dating sa math (maraming makapagpapatunay nyan!).
Hindi rin naman ako mabulaklak magsalita at lalo namang wala akong talento sa pagkanta.
Meron akong dalawang kaliwang paa kaya hindi naman ako nagilusyong maging propesyonal na dancer (kahit nga pang japayuki di ako papasa!).
Wala rin akong hilig magluto (kumain,pwede pa!), hindi ako marunong maglaba o magplantsa, kung kaya kahit kasambahay hindi ko kakayanin.
Pero hindi naman ako nangulelat nung nagsabog ng biyaya ang MayKapal.
May mga munting talento rin naman ako na talaga namang kinamamanghaan ng asawa ko.
Mabilis akong makatulog.. hindi ko na kinakailangan magbilang ng tupa.
Mabilis din akong maligo.. ika nga ng anak ko, "wow! para kang instant noodles mommy, tapos ka kaagad!".
Di rin ako mabilis mataranta..in short, delayed reaction ako.
Pero sa lahat ng biyayang nasalo ko mula sa langit, ang pagsusulat ang pinaka malaking regalong napunta sa akin.
Tignan mo, wala namang kwenta itong sinulat ko, pero heto ka, natapos mo.
SLASH AND BURN
alam nyo naman, nagco commute lang ako to and from work.
kanina pauwi, eh di nakasakay ako sa jeep. tanghaling tapat, pero malakas ang ulan. yung driver ng jeep, some kind of a genius, hindi nya binaba yung trapal ng bintana. kaya ayun, nabasa yung mga upuan. eh di kami namang mga pasahero, halos malaglag na ang pwet namin sa pagurong para lang di kami mabasa. ok pa ako. di pa ako bothered. ulan lang naman e.
pag dating sa tulay sa may bandang pasig, may sumakay na mama. nakatabi ko. humangin. syet! amoy lasing!
so kinabahan na ang beauty ko. pero tahimik naman yung mama, pero napansin ko, parang di ata sya nagbabayad. aba! at concerned pa ako para dun sa driver ha! tapos yung mama, ubo ng ubo. natakot ako. syet ulit!
baka mamaya biglang sumuka itong gagong to. kadiri ha! tapos yung babae sa tapat ko text ng text. tinitignan nung mama yung cellphone nung babae. sabi ko sa sarili ko, naku, baka agawin! o di ba, concerned pa rin ako sa ibang tao.
so ayun, all the while, ang dami kong inaabangan - kung magbabayad yung mama, kung susuka ba sya o kung hahablutin nya yung cellphone nung babae.
sa ka engot engotan ng pinaka engot... hindi ko namalayan ang putragis na gagong hinayupak na panget na hayop, ini-islash pala yung bag ko!!
nalaman ko na lang nung pag dating sa Edsa Crossing, sa tapat ng Shangrila, nagbabaan yung mga tao at lumipat ako dun sa kabilang side na upuan. all the while, lumipat lang ako dahil nga basa yung kalahating part ng upuan dun sa side ko.aba, putres, nakita ko na lang gulagulanit at warak warak yung harap ng bag ko! napa "syet" nga ako.
napatingin ako dun sa mama. tumingin sya tapos bumababa. yung mga tao sa jeep, wala, deadma.
yung bag ko, may malaki at mahabang punit sa harap. yung punit na alam mo matalim yung ginamit nya na blade. tapos yung gilid naman, ganun din, parang papel na hiniwa hiwa. susme!!
pero wala syang nakuha. buti nga sa kanya. may inner lining kse yung bag ko kaya wala syang napala.
ang pinaka badtrip sa lahat ng badtrip, yung bag ko, yung isa sa mga bagong styles na nilabas ng lacoste. as in, ang tagal kong pinagmuni munihan kung bibilhin ko kse naman ang mahal ata ng lacoste ano! tapos ayun, nabili ko nga, na slash naman!!
nakakainis talaga pero in fairness, mga prends, galeng nung bag. dapat i market nila yun as "proven effective deterrent to slashers" hahaha. ayan nagawa ko pang magjoke! aba sa mahal nung bag, at least kahit papano may silbi sya.
otherwise, baka wala na akong cellphone at naglakad pa ako pauwi dahil wala na akong wallet.
pag baba ko ng jeep, yakap yakap ko yung bag ko. hindi dahil sa mahal na mahal ko yung bag ko no.. kung di dahil nahihiya ako na makita ng mga tao na naslash yung bag ko!! parang ang tanga tanga ko. grabe!
anyways, thankful pa rin naman ako at yun lang ang nangyari. it could have been worse. pwede hinoldap nya ako, tinutukan ng kutsilyo or kung anuman. kaya pasalamat pa rin kay Lord di ba?
LAGIM SA DILIM
Dagling nilisan ng araw ang kanina'y maaliwalas na paligid habang kapalit nito ang malungkot na kadilimang bumalot sa buong sangkatauhan.
Sa labas ng aking tahanan, maririnig ang dahan-dahang pagindak ng mga puno sa mabagal na tugtugin ng hangin at sa aking pagmamasid mula sa bintana ay nakita ko siya... mataas, may kapayatan ngunit makisig kung tumayo at may makinis na kutis.
Siya ang nagpapainit sa aking katawan... siya ang karugtong at nagbibigay kahulugan sa aking buhay...siya ay ang aking kamatayan.
Lumabas ako mula sa aking munting palasyo upang siya'y salubungin, ngunit sa aking paghangos, ako'y natapilok at nagasgas ang aking mapupulang labi. Di ko ito pinansin sapagkat ang aking buong katawan ay kasalukuyang umaalab sa init. Sa sandaling kami'y nagkalapit, naramdaman kong ito'y sinasadya ng tadhana... siya'y matigas, ako'y mainit.
Walang panahon kaming inaksaya sa aming pagiging isa. Hinaplos ng aking labi ang kanyang nakatayong usbong na napapalamutian ng itim na balahibo at ang aking intit ay kanyang naging init.
Sa aking mga labi, siya'y sumabog at di nagtagal, dahan dahang tumulo ang katas ng kanyang init sa kanyang mala-porselanang balat samantalang ako ay animo walang buhay na nakahilig sa kanyang tabi.
Ang aming apoy ay nagbabaga pa rin, ngunit ang aking init ay tuluyan nang naglaho. Ang mga bakas ng lumipas na pagaalab ay naging bahagi na ng kanyang katawan, at ang kanyang katigasan ay unti-unti nang lumalambot.
Nang karakarakay's biglang lumabas ang araw at isang malakas na hangin ang kumain sa kanyang apoy habang nangingibabaw naman ang munting tinig ng isang bata... "Yehey! May ilaw na!!!"
Siya ang kandila. Ako ang posporo.
Living Alone (Youngblood)
Back in high school, my friends and I talked incesantly about getting our own pad and living together without parents. We planned and plotted how to pull it off. We made a list of responsibilities, like who would do the dishes, cook food, go to the grocery and clean the house every Sunday. We calculated how much chocolate chip cookies, green oeas and pop beans our allowances could buy. We argued about who would borrow whose clothes on what days. We debated on everything, from who would use the bathroom first in the morning to whether we should stock cases of softdrinks or just buy from the sari-sari store.
Living on our own seemed like a life well-lived. We could party all night and all day long, eat junk food until our sweat smelled like corn chips, smoke and get drunk on zombies and tequilas, and best of all, have cute guys over for dinner!
With our plans carefully laid out and documented (we even signed a contract - I tell you were that serious), we felt an unexplainable euphoria, something not unlike the feeling you get when you finally get rid of that stubborn piece of meat stuck deep between your molars. Unfortunately, our parents would have none of that nonsense.
My own parents literally stood their ground to block me from going out the front door with a backpack-full of teenage possessions, inclusing my cherished Ang Tunay na Amo cassette tape. They explained to me why I was about to do the dumbest, stupidest thing in my life. Back then I didn't feel I was being a blockhead, of course.
Now after four long, ho-hum years in college and 24 months in the corporate world, my high school dream has come true. This is not a matter of choice but of circumstance - but I won't go into that this time. So, here I am, living alone in a rented house. I've tried talking my high school friends into sharing the house (and expenses), but they are too "mommy-ish" to summon the courage to leave their homes.
Is it as fun as independent living is all worked up to be? Do I get to eat corn chips late at night, have cute guys over for dinner and get drunk on tequila?
Heck, only the part about corn chips is right. With no one to share dinner with, cooking has become an unthinkable art for me. But give me a bowl of unmarked mami and I can tell you the brand and flavor just by the smell of it. Living alone has indeed made me a connoisseur of sorts.
Having cute guys over has also proved to be a problem. Do you know any cute guy who's unattached and straight? It's like finding a parking space at the mall during a midnight madness sale.
Right now, I think the only good thing that has happened since I started living on my own is that I've lost five pounds. But then again, maybe I should mention my newly discovered talent in using the microwave.
So, are you considering moving out and living like the Beverly Hills 90210 teens?
Give the thought a minute to sink in and while you’re doing that, go around your house and notice the little things you take for granted: the polished floors, the well-stocked refrigerator, the laundry all done, the ironed clothes, sparkling sink.
If you see your mom preparing dinner, remember to thank her. Living alone not only makes you you wish for that delicious pakbet, it also makes you appreciate what your parents have been doing to make life easier for you.
Tama Ba Naman ang mag makeup sa jeep?
May nakipagtulakan sa akin na babae - nagmamadali, akala mo ba may pa-bingo dun sa kanto at nanalo sya. Pinabayaan ko na lang kse kawawa naman, baka maiwan ng jeep at magpakamatay.
So ayun, nakaupo na sya - sa tapat ko.
May dala syang itim na shoulder bag, na naguumapaw sa pagkapuno, halos mawarak na yung mga tahi sa gilid. Naka-blue sya na blouse at dark blue na skirt. Alam nyo yun - yung generic uniform na nabibili sa 168.. ahhh basta!
Tapos yung mahaba nyang buhok, medyo basa basa pa, may mga patak patak nga ng tubig sa braso nya nung dumukot sya ng pamasahe dun sa bulsa sa blusa nya.
Pagkatapos magbayad, hala, binuksan ang ga-maletang bag, kumuha ng suklay at galit na galit na sinuklay ang buhok.
Syempre, dahil basa yung buhok, eh di ang daming buhol buhol sa dulo. Kasehodang may katabi sya, hinawakan nya yung isang bungos ng buhok nya at "binulldozer" ng suklay. Ramdam na ramdam mo yung protesta ng bawat isang hibla ng buhok nya habang nagsisiputol sila sa tindi na pagsuklay sa kanila.
Syempre pa, hindi mawawala yung nagliparang tubig habang walang awa nyang pinaparusahan yung walang malay nyang dead cells.
Nung nakamtan na nya ang tugatog ng kasiyahan sa buhok nya, hinarap naman nya yung mukha nya.
Dumukot muli sa magic maleta, naglabas ng ga-platitong cover stick at tinuldok-tukdukan nya yung buong mukha nya.
Sa pagkakataong ito, nakatingin na yung iba pang pasahero sa kanya. Eh sino ba naman ang hindi mapapatingin kung yung katabi mo eh may puti-puting polka dots sa mukha?
Wala pa rin syang pakialam. Hala, sige pa rin sa pag "polka dot" nya. Pagkatapos sabay punas ng mukha para pumantay siguro ang pagkaputi (mukha na syang kabuki by this time).
Syempre, hindi naman ata bagay kung maputi mukha mo tapos maputla ang labi mo di ba?
So labas naman ng lipstick. Pulang pula. Grabe. Lalong tumibay ang paniniwala ko na kabuki performer sya in her previous life.. either yun or sya yung flower girl dun sa Sukob.
Ok na sana, mapagtyatyagaan na sana yung mga pinag-gagagawa nya kaso di pa pala tapos..kailangan pang magpabango.
Aysus!! Feeling ko lahat ng lamok, langaw at pati alikabok namatay nung sumambulat sa kanila yung amoy ng pabango nya. Iniisip ko nga kung dapat pabango pa ba ang tawag sa amoy na ganun kasakit sa ilong? Hindi ba dapat Pasakit na ang tawag dun?
Sa wakas, natapos na rin sya. Ready to go. Pwede na...pwede ng patayin!!!
Ang tanong ko lang naman, tama ba naman na sa jeep ka mag make up?
A Guide to Riding an FX
1. Ipatong mo ang bag mo sa malalaking hita mo. Wag mong bigyan ng tribute ang bag mo at ipwesto sa tabi mo.
2. Wag ka naman magpabango. Ayaw namin maging ka-amoy mo.
3. Umupo ka ng maayos. Hindi excuse ang malalaking hita para i-occupy mo ang dalawang (o tatlong) space.
4. Lakasan mo naman ang boses mo pag nag abot ka ng bayad. Hindi kami ang voice over mo.
5. Hinaan mo ang boses mo pag nakikipag usap ka sa cellphone. Ayaw namin marinig ang latest chismis sa ka-officemate na pinapantasya mo.
6. Wag kang magpakitang gilas at mag-e-english sa kausap mo sa cellphone...lalo na kung mas kamukha mo si Wilma Doesnt kesa kay Nancy Castiliogne. Magpakatotoo ka,sister!
7. Umurong ka naman kung may sasakay na iba. Bakit may velcro pa ang pwet mo at dumikit na sa gomuzang seatcover?
8. Maganda siguro kung bababa ka muna para makababa ng maayos yung katabi mo na nasa loob.
9. I-share mo naman ang aircon. Lahat naman tayo nagbayad ng tama.
10. Alalahanin mo na hindi kami ang bestfriend mo. Wag kang humilig sa balikat namin kung matutulog ka.
TURNOVER
Sabi ni Merriam-Webster ang turnover daw ay:
1. " the movement of people into, through and out of place".
Oo nga naman, tunay nga naman na na-"move" ako "out of place". Malapit na akong umalis dito sa aking place... kung may papalit sa akin, wish ko na lang sya ng isang matinding goodluck at pagdarasal ko na sana nung nagsabog ang MayKapal ng biyaya eh nakasalo sya ng "autism". (email mo ko kung gusto mong malaman kung bakit importante ito.hehe)
2. "the number of persons hired within a period to replace those leaving or dropped from a workforce"
Nagiisa lang naman akong "leaving the workforce"... pero ang sabi sa akin kailangan ng tatlo "to replace" me... hindi ako magaling sa math, pero naiintindihan ko may mali sa equation na ito.. paanong nangyari na "one minus one equals three"?? hmmmm...
3. "the continuous process of loss and replacement of a constituent of a living system"
continuous talaga ang loss ko pero mare-replace ko ba ang nawala ko? at saka "living system" nga ba itong matatawag? hmmmm... at isa pang hmmmm....
4. "to search by lifting or moving one by one"
ahhh...ito ang mahirap. ako ba ang dapat mag "lift or move one by one"? hindi siguro. paalis na ako, kaya siguro hindi na rin dapat ako ang mag "search"
5. "to deliver, surrender"
ay, ito korek! talagang "surrender" na ako...kaya nga nagresign eh (wink wink)
6. "to heave with nausea (as in turnover of one's stomach)"
may mga pagkakataong ganito ang pakiramdam ko.. sukang suka na ako!!!
7. to make a change for the better (as in turn over a new leaf)
ito ang pinaka paborito kong definition - talagang CHANGE FOR THE BETTER ang mangyayari... and i absolutely can't wait!
BELIEFS
Noong bata ako, eto ang mga paniwala ko...
1. Pag may birthday lang pwedeng mag spaghetti at ice cream
2. Pang mayaman lang ang Del Monte ketchup
3. May babagsak na butiki pag nagbukas ka ng payong sa loob ng bahay
4. Magkakapimples ka kung hindi mo inuubos ang kanin mo sa plato
5. Naglalakad ang mga rebulto ng santo pag gabi
6. Tutubuan ka ng puno ng mansanas sa tyan kapag linunok mo ang buto
7. Iinit ang tubig mong pampaligo kapag dinasalan mo ito
8. Titigil ang ulan kapag kumanta ka ng malakas na "rain, rain, go away"
9. Kukunin ka ng Bumbay kung hindi ka natulog sa tanghali
10. Mamatay ka kapag nilinis mo ang pusod mo
YOUNGBLOOD
I wanted to make this tribute very visual - with photos of people I am going to be forever thankful for. But as I surfed online to grab photos, one thing struck me - YOUNG BLOOD is BIG . At least for those who seriously take their writing seriously.
My YB piece came out March 17, 1998. That's 8 years ago - a time when e-mail was just starting to catch up, text messaging was being advertised for the speech and hearing impaired, a time when "blog" was still a sound made by dropping an encyclopedia to the floor.
There was no online YB then yet. There was no e-mailing your stuff. I recall I typed mine using our Brothers manual typewriter, where you had to wait for the "ting!" and then you push back that long rolling pin-like thing where the paper is inserted so you can get to the next line. I typed it neatly - double spaced, one inch left and right margins and to stress words, I had to type over the letters thrice (this is equivalent to hitting 'Ctrl+B' now).
Then I carefully business-folded my paper (you know, the kind of fold where you leave a "tongue" at the top so the recipient can hold onto it and then flip the letter open?), stuck it inside a long white envelope, wrote down Inquirer's address, wrote my return address on the upper left, licked a stamp and stuck it on the upper right side.
The only thing I probably missed doing was taking the trip to the post office to drop off my letter. Instead, I slipped my stamped envelope between all the other business letters that our office was mailing out.
My piece was published about three months after (talk about slow mail!) and I would have missed it, if not for one colleague who asked me if I was the Kathie featured on the YB column two days ago. I had to beg a friend to find the paper from their school's library and make me a copy. I then went all out and (slow) mailed copies to every relative and friend listed on my little address book. My tongue was all sore from all that stamp-licking!
And in keeping up with tradition, I almost totally missed it when the same piece was reproduced and included in YB's book compilation! Another colleague texted me to ask if I was the Kathie included in the book. (Yes, I learned about it during the time when text messaging was getting big.)
So I rushed to the bookstore and bought copies.
I am planning to give out a copy (autographed by me har har) to my high school english teacher as she really is the one who first believed that I actually could write an interesting read.
And I will get that chance two weeks from now - 16 years after I graduated - when I go back to my high school for our grand reunion.