Monday, August 13, 2012

Showtime

I often wonder why a quorum is called when there really is nothing for the quorum to do or say.  Lahat privelege speech lang.  Now I understand why those senators either look lost in thought or fall asleep entirely.  Nakakapagod makinig sa speech na limang kilometro ang haba, pero di mo naman talaga makita ang kabuluhan nito sa araw araw na pamumuhay mo.

There is no point is asking for an audience when there is no audience participation required.  Buti pa ang Showtime, may mob dance!

It just gets old to be hearing the same things over and over, knowing that parang RH Bill lang lahat yan. Pagdedebatehan pero it will take forever to actually come to fruition.  Kahit na para sa ikakabubuti ng nakakarami ang bill, mamamayagpag ang clout ng iilang pinagpala.  "Ikaw na!" sabi nga nila.

Minsan naman parang disco lang ang quorum na pinatawag. May ledge kung saan nandun ang mga (feeling) star. Manuod ka kung gusto mo, o kaya lumabas ka na lang at lumipat ng venue.

In any case, may mga pagkakataon talaga na wala kang choice. Tanggapin mo na lang na kailangan ka nila duon. Pang body count. Para naman mukhang demokrasya nga talaga ang nagpapaikot sa mundo ninyo.  At kung tunay na hindi mo na masikmura, kumanta ka na lang ng :

Tayo’y tumalon (heyyy)  Tayo’y sumigaw (hohhh)
Maghawak-hawak tayo’y sumayaw
This is your show, this is your time
Magpasikat na, it's showtime!


No comments: