Thursday, September 11, 2008

Ulan

Setyembre na, umuulan pa.

Naalala ko nung elementary ako, ang malalakas na ulan bumabagsak pag June. Kasabay ng pagbili ng mga nokbuks at pag linya ng margin sa mga nokbuks na nabili - shet! remember those times? na ang 100 leaves na notebook kailangan mong linyahan ng red ink sa right hand side? as in, isa-isa-isa mong lilinyahan!! - teka, naligaw na ang thought ko...

rewind...

so anyway, kasabay ng pagbili ng nokbuks, pipili ka na rin ng plastic raincoat at pag sinwerte, bibilhan ka pa ni lola ng pulang bota pang sugod sa baha. araw araw dala-dala mo ang mga pang ulan mo. payong, raincoat at bota. mula unang araw ng pasukan hanggang mga july. pag dating ng august, paminsan minsan na lang. pag dating ng september, hindi mo na makita nasaan na ang mga pang ulan mo. tinago mo na sa ilalim ng kama ni lola.

ngayon, parang all year round dapat may payong ka sa bag. sobrang unpredictable ng weather. walang tulong ang Pag-Asa. panahon pa ni Amado Pineda, screwed up na ang weather vane ng pag-asa.mas magaling pa ata si Tessie Tomas mag predict ng weather!

don't get me wrong. i like rain. i like cold weather. i love the depressing mood rain puts me in. i enjoy the gloom of dark clouds overhead. ang hindi ko enjoy ay ang walang masakyang jeep, ang baha, ang traffic at ang pinaka sa lahat ng pinaka - ang pag volt in ng tatlong ito: ang paglusong sa baha dahil walang jeep na bumabyahe dahil lahat sila na stuck sa traffic!

2 comments:

Anonymous said...

Hehe...nakakatuwang maalala yung mga panahon na yon. Naisip ko lang, Bakit nga ba kailangan may red margin sa right side? Iba ibang kulay pa yung mga nokbuk natin depende sa subject.

Isa pang hindi ko makalimutan, yung amoy ng kapote.

Ayus klasmeyt! Ganda ng blog mo.
keef it ufff!(you see i fronounce my fi fraferli)

KathieDee said...

oo, naalala ko nga iba iba ang kulay ng nokbuks natin.tapos tayo pa ang nagcocover gamit ang art paper! nakakaloka.

yung amoy ng kapote - yung nakulob kse kahit basa pinapasok natin sa bag? ha ha

salamat sa pagbasa. noong unang panahon ang diary nila=lock at tinatago sa gitna ng kutson ng kama, ngayon on line na!