Friday, September 05, 2008

Sharpener

Dahil nanay ka, kailangan mong gawin ang mga ito:

1. Itapon ang mga "kusot" na naipon sa loob ng sharpener ni anak na likha ng galit na galit na pagtasa ng lapis ni anak nung nasa paaralan sya kanina.

2. Siguraduhing tama ang mga kwaderno at librong dadalhin nya sa paaralan. Maniwala kayo, malaking isyu sa anak pag hindi mo napadala ang tamang notebook. Mas malaking isyu pag mali ang naipadala mo!

3. Tanggalin ang nagamit na panyo na nakabungkos sa kailalim-laliman ng bag ni anak. Sa hindi mo mawaring dahilan, ang panyo na nilalagay mo sa bulsa ng uniporme tuwing umaga, napapadpad sa loob ng bag.

4. Sulatan ng pangalan ang bawat isang piraso ng lapis, colored pencil, eraser, glue, gunting at ruler na dinadala sa paaralan. Hindi ito katiyakan na hindi mawawala ang mga gamit ni anak, pero wala lang, kailangan mo lang gawin.

5. Punasan ang loob ng plastic cover ng notebook, dahil ang mga libag ng binurang maling naisulat dumikit sa gitna ng plastic at ng matigas na notebook cover.

6. Tanggalin at palitan ang mga naunanong lapis sa pencil case. Magtasa ng bagong lapis.

Pag naiisip ko itong mga ginagawa kong ito natatawa ako. Maliliit na bagay lang naman, pero kung hindi mo gagawin, sinong gagawa?

The happy burden of motherhood! :)

No comments: