Thursday, September 18, 2008

Charice

I like the black dress with the green bow. She's not only improving her diction (did you see clips of her touring us on her "previous life" in Laguna on the recent Oprah? humahaba na ang english sentences nya ha), she apparently has gotten herself a stylist as well.

Me thinking I want to have a similar dress made. :)

Monday, September 15, 2008

18,652,000.00

That is how much Hugh Laurie will earn per epidode starting Season 5. Eighteen Million Six Hundred Fifty Pesos... per episode.

While I sit and watch tv, this man earns money that even my imagination will not be able to spend in the course of one episode.

Friday, September 12, 2008

9/11 = 7/11

Kagabi sabi ni anak,

Anak: Mommy, alam ko na bakit 7-11 ang name ng 7-11.

Ako : Bakit?

Anak: Kse daw may dalawang tower sa america na magkamukha na mataas. Tapos may bumagsak na airplane dun sa tower. Tapos yung tower bumagsak. Shoosh! Eh may store dun sa ibaba ng tower na nabagsakan. Kaya 7-11 na sya.

Thursday, September 11, 2008

Ulan

Setyembre na, umuulan pa.

Naalala ko nung elementary ako, ang malalakas na ulan bumabagsak pag June. Kasabay ng pagbili ng mga nokbuks at pag linya ng margin sa mga nokbuks na nabili - shet! remember those times? na ang 100 leaves na notebook kailangan mong linyahan ng red ink sa right hand side? as in, isa-isa-isa mong lilinyahan!! - teka, naligaw na ang thought ko...

rewind...

so anyway, kasabay ng pagbili ng nokbuks, pipili ka na rin ng plastic raincoat at pag sinwerte, bibilhan ka pa ni lola ng pulang bota pang sugod sa baha. araw araw dala-dala mo ang mga pang ulan mo. payong, raincoat at bota. mula unang araw ng pasukan hanggang mga july. pag dating ng august, paminsan minsan na lang. pag dating ng september, hindi mo na makita nasaan na ang mga pang ulan mo. tinago mo na sa ilalim ng kama ni lola.

ngayon, parang all year round dapat may payong ka sa bag. sobrang unpredictable ng weather. walang tulong ang Pag-Asa. panahon pa ni Amado Pineda, screwed up na ang weather vane ng pag-asa.mas magaling pa ata si Tessie Tomas mag predict ng weather!

don't get me wrong. i like rain. i like cold weather. i love the depressing mood rain puts me in. i enjoy the gloom of dark clouds overhead. ang hindi ko enjoy ay ang walang masakyang jeep, ang baha, ang traffic at ang pinaka sa lahat ng pinaka - ang pag volt in ng tatlong ito: ang paglusong sa baha dahil walang jeep na bumabyahe dahil lahat sila na stuck sa traffic!

Monday, September 08, 2008

Grrr

I have had my Citibank Visa Card for more than a decade. I use it the American Express way - as a charge card. Meaning, I pay my dues in full every due date. No outstanding balances, no carry overs. No interest earning utangs.

You would think Citibank would appreciate my loyalty and timely payments by giving me perks. Hell, no!

I never had my annual fees waived. I use my accumulated points.

One time, I forgot to pay on time. I called Citibank the next day to request for penalty waiver, and they refused. I threatened to cancel my card and what did they do? Transferred me to the card cancellation division. The nerve!

After more yakking from me, the (un) fortunate person on the other end of the line, agreed to waive the late penalty.

Today, I tried getting the Citibank Shell Card for the gas rebates. And here's what I get - more annual fees. Apparently, if you are a new applicant with no existing Citibank card, you get free one year use. If you have an existing card, you pay the annual fees. Kapikon!

Saturday, September 06, 2008

Memory Gap

We've come up with a simple game in the office where everyone tries to outdo each other by naming former showbiz personalities.  The catch is you can NOT name the sikat ones.  You have to name somebody obscure enough to have mostly faded away, but yet not too obscure that nobody has a recollection.  The name has to at least make you go - "OO NGA!!!" 

Here's some of the names that came up and gave us a good laugh:

1. Michael Locsin
2. Boy Garcia Jr
3. Manolet Ripol
4. Bimbo Bautista
5. Mon Alvir
6. Jovit Moya
7. Joed Serrano
8. Mutya Crisostomo
9. Michael Laygo
10. Dennis da Silva
11. Jean Young (spin-a-win!)
12. Precious Hipolito
13. Jaypee De Guzman
14. Babette Villaruel (say-say-say!)
15. Boy C. De Guia

the game is never ending. and well, nobody really wins. but we all get really good laughs out of this mental exercise. :)

Friday, September 05, 2008

Sharpener

Dahil nanay ka, kailangan mong gawin ang mga ito:

1. Itapon ang mga "kusot" na naipon sa loob ng sharpener ni anak na likha ng galit na galit na pagtasa ng lapis ni anak nung nasa paaralan sya kanina.

2. Siguraduhing tama ang mga kwaderno at librong dadalhin nya sa paaralan. Maniwala kayo, malaking isyu sa anak pag hindi mo napadala ang tamang notebook. Mas malaking isyu pag mali ang naipadala mo!

3. Tanggalin ang nagamit na panyo na nakabungkos sa kailalim-laliman ng bag ni anak. Sa hindi mo mawaring dahilan, ang panyo na nilalagay mo sa bulsa ng uniporme tuwing umaga, napapadpad sa loob ng bag.

4. Sulatan ng pangalan ang bawat isang piraso ng lapis, colored pencil, eraser, glue, gunting at ruler na dinadala sa paaralan. Hindi ito katiyakan na hindi mawawala ang mga gamit ni anak, pero wala lang, kailangan mo lang gawin.

5. Punasan ang loob ng plastic cover ng notebook, dahil ang mga libag ng binurang maling naisulat dumikit sa gitna ng plastic at ng matigas na notebook cover.

6. Tanggalin at palitan ang mga naunanong lapis sa pencil case. Magtasa ng bagong lapis.

Pag naiisip ko itong mga ginagawa kong ito natatawa ako. Maliliit na bagay lang naman, pero kung hindi mo gagawin, sinong gagawa?

The happy burden of motherhood! :)

Wednesday, September 03, 2008

SapinSapin

Dahil blog ko ito, I can bore you with details of my life. Ano nga bang pinagkakabalahan ko lately?

1. Facebooking. Ang daming apps. Nakakatuwa. Recommended productive way of wasting time. Pag tinanong ako ng boss ko anong na-accomplish ko at the end of the day, pwede kong ipagmayabang - that i discovered my stripper name is Mimi Moonbutton. Kung kilala nyo ako, matatawa kayo dito. Very apt. Haha

2. Top Shuffled Songs - Crush (haha), 7 things (mas haha), No Air, Tatoo, One Step at a time

3. I got overdosed with semantics today. "We are not losing business, we are transitioning." , "We are returning back the business". Corporate level jargon. Top Management chuvaness. All means the same thing though - we are losing a big fish.

4. Polo Ralph Lauren Home's first season with us has finally closed. First PO released today. Official na sya talaga. Nagbunga ang stress ko. Mala-aratillis na bunga - maliit pero matamis.

5. I have so much gas, I can start a fire. Gawd.

Tuesday, September 02, 2008

Labor Day

US Labor Day has become one of my favorite holidays. With my american buyers on vacation, this means an empty inbox for me today. Hoo-ray!

I have the whole day to tinker with my facebook. Ay-pi-ya-yi-ay-pi-ya-yea!

Monday, September 01, 2008

O Halaw

anyone knows the complete "ano ang nasa dako paroon, bunga na malikot napag-iisip..." ?

grabe, naubos na utak ko sa kaiisip nito. susme.

RakEnRol

Today's casual attire consists of jeans, sneakers,black shirt,black-rimmed glasses, and backpack.

Apparently, I am such a sight that hubby told me "mukha kang teenager na pupunta sa Amoranto - makiki concert!"

Wired!

Discovered Facebook recently. Fun!