Thursday, July 24, 2008

May kakilala ka bang ganito?


Ang Lead Star - mahilig bumangka ng kwento. nagtatago sa pretense na nais lamang makapagbahagi ng kaalaman, pero actually gusto lang ibroadcast na meron syang bagong gadget o "bagong" discoveries. Mga "bago" para sa kanya, pero hindi naman talaga bago para sa iba.

Ang Echo - para sya yung commercial ng lucky me na nasa bundok sila tapos may sumasagot na echo sa kanila. ang siste nga lang, siya rin ang echo ng sarili nya.

Ang Opinionated - mahilig magumpisa ng malalim na diskusyon, pero walang maibabahaging sariling opinyon. Pagkatapos ng balitaktakan, uulitin ang kwentuhan sa iba, pero lahat ng opinyon ng unang nakausap nya, opinyon na nya.

Ang Superhero - parating bida. parating pakiramdam nya sya ang takbuhan ng naapi. iba kay lead star na mahilig lamang magkwento. si superhero, lilipunin lahat ng mga narinig na kwentuhan at idudulog sa baranggay. bidang bida.

Ang Sumbungera - pinsan ni superhero. yun nga lang, si sumbungera, ang kanyang prime motivation is ipahamak ang iba, sa likod ng pagkukuwaring wala naman syang masamang intensyon sa pagkwekwento ng mga naririnig nya.

Ang Humble - madalas "nahihiya" magkwento o magbahagi ng opinyon, pero mga limang segundo lang ang hiya. makalipas iyon, hindi na titigil sa pag litanya ng mga magagandang bagay na ginagawa nya.

Ang Concerned - parating nagtatanong kung kamusta ka na, anong ginagawa mo, anong mga trabaho ang ginagawa mo. mukhang concerned, pero in reality, sinusukat nya kung gaano na sya naka ungos sa iyo.

Ang Masaya - lahat ng jokes mo patok sa kanya. walang hindi bumenta. pag nakatalikod ka, sinisiraan ka.

Ang Secret - nag uumpisa ng bulong bulungan. pero unang unang pipiyok at maglalabas ng sikreto sa ibang tao.

May kakilala ka bang ganito?

Ako wala.

No comments: