Tuesday, February 19, 2013

Sawsaw suka

"Saw saw suka, mahuli taya!"

May mga kilala ako na ito ang tanging nasalo ng magsaboy ng talento ang langit-- ang talento ng pagsawsaw sa problema ng iba.

Hindi sya masasabing "concerned" dahil ang kanyang kontribusyon ay ang ipaglandakan ang kanyang opinyon. Ang ipagmalaki na di tulad ng sinasawsawan nya, hindi sya nahaharap sa mga problema. Magaling sya. Pinagpala ng kakaibang talino.

Gusto lang nyang ipaalam sa buong mundo - at isama na ang outer space sa lakas ng boses - na the best ever sya. May sagot sa lahat ng problema ng ibang tao. May solusyong naisip. Sundin mo sya, di ka mapapariwa.

Meron syang sariling mga problema. Pero di nya yun pinapansin. Keber lang. Bakit pagaaksayahan ang sarili kung mas makakatulong sya sa sanlibutan, di ba? "The hell with my problems" ang drama.
Martyr ata ang gustong i-peg.

Hay. Sana nung nahulog ang meteorite sa russia, sana nandun ka. Sana nasalo mo. Bidang bida ka nun! Dedbols ka nga lang,pero front page naman! O di ba, di mo na kailangan makisawsaw?









No comments: