Nag dyip ako pauwi kahapon. Yung nasakyan kong dyip hindi dumeretso sa dapat na dinadaanan ng routa nya. Akala ko magsho-short cut sya or something. So deadma ako. Wala yata akong balak mag mukhang promdi na naliligaw, ano.
Aba, medyo mahaba haba na yung natatahak namin, pero bakit parang di ko nakikita ang mga terminal ng tricycle na dapat sasakyan ko pagbaba? Hmmm... Kunyari nagte text na lang ako. As if, all is fine and ok.
Ok, well, fine.. medyo eto nare-realize ko na naliligaw na ako. Bakit may Jollibee? Knock,knock, nasan na ba ako? Tanaw tanaw sa labas. Naisip ko, baba na lang kaya ako at magtaxi. Pero teka, wait! Baka mas lalo akong maligaw dahil hindi ko na nga mapagtanto nasaan na ako. Iiyak na ba ako?
Hindi, sige, konting tibay pa ng loob. Baka mamaya may makita na akong lugar na medyo alam ko. Sige, andar lang bwisit na mamang drayber na kung saan saan lumulusot!
Maya maya, huminto sya sa kalyeng sangdamakmak ang tao at sinabing -"O makati city hall na ito!" Sabay turo sa mga nagkumpulang tao sa daan.
Du-huh? Pano nangyari na napunta ako sa city hall? Ano namang gagawin ko sa city hall, ire-report ko ang sarili ko na missing?
Hindi pa rin ako bumaba ng dyip. Natakot ako sa dami ng tao. Naalala ko yung mga panahon na pumipila pa kami para makanood ng Lunch Date at ng bumukas ang audience gate ng broadway eh halos madurog ako ng mga nagtutulakang tao. Yes, my friends, bago pa sumikat ang stampede ng Wowowee eh napagdaanan ko na yon. Been there, done that - ika nga.
So anyway, sige, dinikit ko na lang ang pwet ko sa tarpouline wrapped na upuan ng dyip. Napagdesisyunan ko na hintayin na lang bumalik sa Ayala yung dyip. Round trip ika nga. Pasensya na nga lang si mamang drayber dahil hindi round trip ang bayad ko. ano sya sinuswerte?
Nang bigla, natanaw ko ang Makati-Mandaluyong Bridge. Halleluyah! Merong himala! Halos maghyperventilate ako. Breathe in, breathe out. Cool lang, baka mahalatang naliligaw ako. Pag hinto ng dyip sa stoplight, bumaba na ako. Back in familiar grounds.
No comments:
Post a Comment