1. Hindi pala kagandahan ang boses ni KC ano? I mean, maganda naman pero siguro I was just actually expecting something ispektakyular. Mala-Lea Salonga proportions. Is she just a product of hype? A marketing success?
2. Ang gulo ng bahay ni Goma at Lucy. Maraming stackable boxes and organizers, pero sa sobrang dami, overwhelming na. { Haha. as if naimbita ako sa loob ng bahay nila ano? }
3. Hindi ko madecide kung maganda yung Angelina movie na Wanted. Nung weekend ko lang napanood e. Nakatulog si hubby habang nanonood kami, so hindi ko sya masagot nung nagtanong sya kung maganda ba o hindi? Hmmm...
4. Panahon na pala ng rambutan. Wala lang. Napag alaman ko lang today.
5. Hindi ako umiinom ng gamot pag may sipon, ubo o lagnat ako. I let nature take its course.
6. Ganda yung bagong CD ni Ogie A. Brings back memories. Sayang, Wala ung Anak ni Ka Freddy (what can i say, baduy ako)
7. Uy, kahapon an old friend called me up. Ang sarap ng feeling pag naalala ka. I should "pay it forward".
8. Buddy En Sol. Wala lang, naalala ko lang over the weekend.
9. Ang coffee stirrer, hindi naman talaga nakaka-stir ng coffee mabuti. Ang sugar naiiwan pa rin sa ilalim.
10. Masarap ang Mister Donut coffee. Cheaper na than Starbucks, mas masarap pa. Tunay na kape. Ang starbucks parang si KC, puro hype.