Monday, January 01, 2007

New Year's Resolutions


Ito ang standard English composition assignment tuwing babalik from the Christmas break. Ang corny. Halatang wala pang gana si Ma’m magturo at ay hangover pa sa bakasyon…either yun o talagang interesado siyang malaman ang new year’s resolution ko (charing!)

Eh ngayon, dahil matured na (hindi old ha..matured lang)… at nabinyagan na sa samu’t saring kalokohan, kabalbalan at kamunduhan ng karamihan - trip ko na ang gumawa ng new year’s resolution. Wala lang.. baka sakaling matupad at makatulong ako sa pagbuti ng mundo..

  1. Swear, babasahin ko na ang Bibliya ko. Baka magalit na sa akin si Lord dahil inaalikabok na ang mga salita Nya.
  2. I will refrain from dissing out mean and nasty and sarcastic side comments.
  3. Hindi na ako iinom ng ice cold coca cola. (wah!!!)
  4. Hindi na rin ako mag ho-hot fudge sundae pag nabwi bwiset ako sa mundo
  5. Gigising na ako ng maaga (mga 7am he he) pag walang pasok.. enough of being a bed bug
  6. Tama na ang senseless, spur of the moment purchases of colored pens
  7. I will eat my veggies
  8. Titigilan ko na ang pagiging doubtful and cynical of other people’s motivations in life
  9. Hinding hindi ko na pipintasan si Iya Villana pag nakita ko sya sa tv. Ililipat ko na lang ang channel.
  10. I will not spend more than what I earn...but I will spend more from what hubby earns

But on top of these all, I intend to laugh more and enjoy life more. Sa bilis ng panahon, ayokong dumating ang time na I will ask myself..."where have all the good times gone?" (and where are all the odds?)




Flowergirl



First time ni Gail mag flowergirl. Ang saya saya!








HAM-burger




Dinner sa Yellow Cab with hubby and Gail.

Gail : "Aw shucks! Akala ko may hamburger dito."
Hubby : "Sige, drive thru na lang kita sa Jollibee"

"Yipee!!!"

Pag dating sa Jollibee...



Ako"Anong gusto mo, anak? Cheese burger?"
Gail: "Ummm..ahhh..."

Tagal mag-isip. Tinulungan ko na..

Ako: "Yung may cheese....??"

Nagliwanag ang mata ni anak! Halleluyah!!

Gail: " Ayoko ng may cheese. Yung may HAM lang"