Sa school ng anak ko, they have this "blue line" where they will all sit on the floor "inside" the blue line and si Teacher will do her storytelling.
Isang araw, kwento si anak about her classmate na enligh speaking - si Yso.
Yso daw only wants to sit next to her bestfriend Pia. Pia in turn, wants their other friend Marinelle, to sit sa kabilang side nya. Eh may umupong ibang classmate sa tabi ni Yso.
So Yso shouts, "Hey! That's Pia's place!" Si anak, she was mimicking Yso's high pitched voice and was distorting her face. Yung parang nangaasar.
Tapos nung may umupo naman daw iba sa tabi ni Pia, sumigaw din si Pia - "Hey! That's Marinelle's place!" Kulubot pa rin mukha ni anak habang ginagaya nya yung sigaw ni Pia.
So naturally, being the ever inquisitive mommy, tinanong ko si anak - "eh ikaw, pag may umupong iba sa tabi mo na hindi mo friend, anong sinasabi mo?"
Walang kabuckle - buckle sabi nya - "HOY! UMALIS KA DYAN!"